
Olympic Torch, Kasama ang mga Pinoy sa Pagtakbo
Grabe, talagang sikat ang pinoy saan man dako ng mundo! Apat na pinoy ang gumawa na naman ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagkakataon na maging bahagi ng 2010 Olympic Torch relay para sa Winter Games. Sila sina Lani Mino, Richer Guinto, Ferdinand “Macoy” Lagadi at Noel Oco, pawang mga Filipino-Canadians.
Sina Lani Mino at Richer Guinto ay galing sa team ng Vancouver Aquarium na parehong napili na tumakbo sa Oktubre sa maagang bahagi ng torch run. Samantalang si Ferdinand “Macoy” Lagadi ay kumatawan naman sa Royal Bank ng Canada.
Ang biglaang kasikatan ni Lagadi ay hindi niya kailanman inakalang mangyayari at kahit sa panaginip daw ay hindi man lamang ito nasagi. “Hindi ko naisip na ito ay kailanman mangyari datapuwa’t nangyari! Ang mga Pilipino sa buong mundo ay maaaring gumawa ng mga bagay na kaya nating ipagmalaki sa buong mundo, ” sabi ni Lagadi.
Isa pang pinoy na si Noel Oco ay inaasahan ding tumakbo sa huling bahagi ng torch run sa North Vancouver.
Ang Olympic Torch ay nakatakdang gumawa ng 490 na hinto at magpasa sa 12,000 torch bearers bago ang pagbubukas ng Olympics sa Biyernes.
Galing naman ng mga pinoy! Hehe!
Wow! Congrats sa apat na Pinoy. You’re great! Proud kami kasi kasama yung sister namin si Lani MANGLICMOT Mino. Love you sis. God bless!