Layunin

Sikat ang Pinoy sa Laganap.com

Sikat ang Pinoy sa Laganap.com

Marahil kayo ay nagtataka kung para saan ang LAGANAP.COM. Ang pahinang ito ay sisikaping ipaliwanag ang layunin ng paglikha ng website na ito. Ang may-akda ng mga panulat na nandito ay naniniwala sa kakayahan ng Filipino na maging katangi-tangi sa kahit ano mang larangan na kanyang lalahukan. Kung kaya ang may-akda ay gumawa ng isang ‘portal’ na kung saan ay magbibigay pugay sa mga natatanging Pinoy sa Pilipinas at buong mundo na namamayagpag sa larangan ng isports, libangan, paligsahan, negosyo at iba pang kategorya.

Ang “Sikat ang Pinoy” slogan ay gagamiting opisiyal na sigaw ng Laganap.com na magsisilbing pagsaludo sa mga Filipino na itatampok sa mga pahina ng mga panulat na nandito. Ito ay magiging paraan ng manunulat na patanyagin ang lahing Pinoy sa buong mundo at buhayin ang kabuluhan ng pagmamahal sa lupang sinilangan.

Kung saka sakaling mabasa nyo ang bahagi ng portal na’to, nais ko lamang kayong pa-alalahanan na lahat ng mga titik, salita, pangugusap at kahit ano mang nakalimbag dito, totoo man o hindi, ay pawang likha lamang mula sa matapat na opinyon at mapanuring pag-iisip ng may-akda. Kung sakaling magdulot man ito ng kahit ano mang uri ng pagka-abala ay hindi po ito sinasadya. Ano man ang inyong opinyon, mungkahi o reaksyon ma-aari po lamang na ipadala sa admin @ laganap.com o kundi naman ay gamitin ang kaukulang form ng puna na matatagpuan sa ilalim ng bawat salaysay o opinyon sa mga pahina ng Laganap.com.

Mabuhay po tayong lahat at palaganapin natin ang pagiging sikat ng pinoy sa buong mundo!